^

Metro

2 miyembro ng WADS tiklo sa 5-M cocaine

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang Guineene national at isang Thai national na kapwa miyembro umano ng West African Drugs Syndicate (WADS) ang dinakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tangkang pagpupuslit ng cocaine patungong Thailand.

Iprinisinta ni NBI Director Magtanggol Gatdula at ni Vice President Jejomar Binay ang mga suspect na sina Kamano Pascal, 40, tubong  Republic of Guinea at Thai na si Kanchanaphon Chenchunwithan,31, na isang courier o drug mule.

Sa isinagawang press conference, nabatid na noong Abril 7, 2011, may impormasyong natanggap ang NBI Reaction Arrest­ and Interdiction Division, sa pamumuno ni Atty. Ross Jonathan Galicia, na may nakatakdang operasyon ang ilang miyembro ng  WADS na paparating pa lang sa bansa kaya minonitor nila ang galaw ng mga suspect na  nag-check-in sa magkahiwalay na silid sa Stargate Pensionne.

Naobserbahan ng mga awtoridad ang madalas na pagtungo ni Pascal sa silid ni Chenchunwithan kung kaya’t binantayan na ang galaw ng mga ito hanggang sa abangan nila si Pascal sa hotel na lumabas dakong alas-2:30 ng hapon at pabalik makaraan ang dalawang oras na may dalang package.

Nilapitan at nagpakilala ang mga tauhan ng NBI sa suspect na naglalakad sa tapat ng isang con­venience store kaya nataranta umano ito hanggang sa ipinaamoy sa sniffing dog ang package na positibong iligal na droga.

Agad na binitbit si Pascal patungo sa inokupahang unit nito at doon nila dinatnan si Chenchunwithan na naghihintay. Narekober ang isang kilo ng cocaine na may halagang P5-milyon, packaging tape, plastic bag at iba pang paraphernalias na pinaniniwalaang gamit upang i-capsulized ang nasabing cocaine.

Dahil sa resulta ng NBI Forensic Chemistry Division na kumpirmadong cocaine, agad na ring isinailalim kahapon sa inquest proceedings ang dalawang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) Section  5.

Nangako si Binay na tuluy­-tuloy nang mabu­buwag ang operasyon ng WADS sa bansa dahil marami na silang tukoy na impormasyon hinggil sa galaw ng grupo.

vuukle comment

CHENCHUNWITHAN

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

DRUGS ACT

DRUGS SYNDICATE

FORENSIC CHEMISTRY DIVISION

INTERDICTION DIVISION

ISANG GUINEENE

KAMANO PASCAL

KANCHANAPHON CHENCHUNWITHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with