^

Metro

Drug operation: Vendor dedo, 1 sugatan

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 23-anyos na vendor habang sugatan naman ang isa pa matapos na tamaan ng ligaw na bala mula sa mga operatiba ng Special Anti-Illegal Drug – Special Operation Task Group (SAID-SOTG) na nagsasagawa ng drug operation sa Mandaluyong City kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa noo si Santiago Bose ng 55 Block 4, Welfareville Compound sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City habang tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng likod si Ramon Velacruz, 33, vendor, ng #429 Guyabano St., Pasig City.

Nasa custody ng Mandaluyong City PNP ang  res­ponsable sa insidente na sina PO3 Julius Visperas at PO1 Carlito Reguirre na kapwa nakatalaga sa SAID-SOTG ng Mandaluyong City PNP kung saan patuloy na tinutugis si SPO2 Jose Drexell Molina.

Sa inisyal na report na isinumite kay P/Senior Supt. Armando Bolalin, hepe ng Mandaluyong City PNP, lumilitaw na nagsagawa ng drug ope­ration sa Welfareville Compound ang mga pulis upang arestuhin si An­thony “Kirat” Vivero, 27.

Sinasabing inaaresto na ng mga pulis si Kirat nang tangkain nitong agawin ang baril ni PO3 Visperas, kung saan inulan sila ng mga bato at bote mula sa mga residente kaya napilitan magpaputok ng baril ang mga pulis.

Dahil naman sa putukan ay lumabas ng bahay si Bose at niyakap ang dalawang pamangkin kung saan tinamaan ng ligaw na bala sa noo.

Si Velacruz naman ay kasalukuyang nakiki­pag-inuman sa mga kaibigan nang tamaan ng ligaw na bala.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Bolalin na walang magaganap na whitewash sa imbestigasyon kung saan dinisarmahan na rin ang mga pulis.

vuukle comment

ARMANDO BOLALIN

BARANGAY ADDITION HILLS

CARLITO REGUIRRE

DREXELL MOLINA

GUYABANO ST.

JULIUS VISPERAS

KIRAT

MANDALUYONG CITY

WELFAREVILLE COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with