^

Metro

Stude binugbog muna bago hinoldap

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Binugbog muna bago hinoldap ang isang 16-anyos na high school student ng tatlong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Nakilala ang biktima na si Aldrin John Salvador, estudyante sa hindi nabanggit na paaralan, ng Macabagdal St., ng nasabing siyudad.

Samantala, ang isa sa tatlong suspek ay nadakip ng pulisya na nakilalang si Aldrin Gallardo 21, isa ring estudyante kung saan bugbog sarado rin ito matapos kuyugin at pagtulungang gulpihin ng taumbayan. Pinaghahanap naman ang dalawa pang kasamahan nito na si Patrick Cuaton at isa pang hindi kinilala.

Naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa kahabaan ng Bustamante St., Bagong Barrio habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar papauwi ng kanilang bahay nang bigla itong harangin ng mga suspek at pagtulungang   gulpihin at saka hinoldap.       

Mabilis na sumaklolo ang ilang residente hanggang sa hinabol ng mga ito ang mga holdaper at naabutan nga si Gallardo, kung kaya’t kinuyog at ginulpi ito.

vuukle comment

ALDRIN GALLARDO

ALDRIN JOHN SALVADOR

BAGONG BARRIO

BINUGBOG

BUSTAMANTE ST.

CALOOCAN CITY

GALLARDO

MACABAGDAL ST.

PATRICK CUATON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with