^

Metro

4-anyos dinukot, ginahasa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Naging masaklap ang mu­ling pagkikita ng isang 4-anyos na batang babae na isang linggo nang nawawala at ng kanyang mga magulang nang malaman nilang ginahasa ito ng dumukot sa kanya sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ang biktima na itinago sa pangalang Rose ay natagpuan sa loob ng bahay ng suspect na si Dexter Dungan, 28, sca­venger sa Benitez St., Bgy. San Martin de Porres, Cubao kamakalawa.

Ayon kay Brgy. Captain Me­lecio Advincula, ang biktima ay iniulat na nawawala isang linggo na ang nakakaraan. Ang kanyang pamilya ay naninirahan sa Parañaque.

Nabatid na nagpunta ang paslit sa kanyang kapitbahay para maglaro ng video games. Pero, hindi na ito nagtapuan ng kanyang mga magulang matapos ang ilang oras.

Ang pagkawala ng biktima ay ini-report ng kanyang mga magulang sa Parañaque PNP at barangay. Naglagay din sila ng litrato ni Rose sa mga poste sa mga kalye sa pag-asang makikita ito. Nagpunta rin sila sa ibang lungsod para ireport ito, partikular sa Quezon City.

Ayon kay Kapitan Advincula, nagpunta sa kanyang barangay hall sa Brgy. San Martin de Porres ang mga magulang ni Rose noong nakaraang linggo at kinausap siya kung maari silang maglagay ng litrato ng anak sa kalsada.

Dahil dito, isang concerned citizen ang nakakita sa liltrato ni Rose ang nag-report na nakita daw nito ang bata at ang suspect sa bahay ng huli sa Benitez St., sa nasabing barangay.

Sinabi ni Kapitan Advincula, agad silang nagpunta sa bahay ng suspect at nakita ang biktima dito, kung kaya agad nilang kinontak ang mga magulang ng huli para sabihin ang magandang balita.

“Mula Parañaque daw ay isinakay iyong bata sa kariton hanggang makarating sa Cubao, sinabi ng suspek na hindi niya pinilit ang bata na sumama sa kanya, sumunod daw sa kanya,” dagdag ni Kapitan Advincula.

Pansamantala, hindi nila kinasuhan ang suspect dahil narekober naman nila ang bata, pero ang katuwaan ng mga magulang ni Rose ay nauwi sa kalungkutan ng dumaing ng pananakit sa kanyang puwerta ang bata.

Pinasuri naman agad ang biktima sa medico legal at doon napatunayan na ito ay ginahasa.

Kasong abduction with rape ang isinampa laban kay Dungan­.

vuukle comment

AYON

BENITEZ ST.

BRGY

CAPTAIN ME

CUBAO

DEXTER DUNGAN

KANYANG

KAPITAN ADVINCULA

SAN MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with