^

Metro

Ama nagbaril sa sarili

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - “Patawarin ninyo ako…. Pagod na ako.”

Ito ang mga huling kataga ng isang ama   bago tuluyang nagbaril sa ulo upang wakasan ang sariling buhay sa loob ng kanilang banyo sa Marikina City kamakalawa.

Pinaniniwalaang mabigat na problemang hin­di na makayanan ang dahilan upang mag-suicide ang biktimang si Marlie Dalusong, 56, ng Cristal St., Twinville Subd., Brgy. Parang, Marikina City.

Batay sa ulat, dakong alas-5 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa loob ng banyo ng bahay ng biktima.

Isang kalibre .38 re­volver ang ginamit umano ng biktima upang magbaril sa kaniyang ulo na naging dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.

Tumanggi naman na ang mga kaanak ng biktima na imbestigahan pa at i-awtopsiya ang bangkay dahil sa paniwalang walang foul play sa insi­dente. Hindi na rin nagbigay pa ng impormasyon ang pamilya hinggil sa posibleng dahilan nang pagpapakamatay nito.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CRISTAL ST.

ISANG

MARIKINA CITY

MARLIE DALUSONG

PATAWARIN

PINANINIWALAANG

TWINVILLE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with