^

Metro

Pekeng colonel timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Isang 40-anyos na lalaki na nakasuot ng police uniform na may insignia na ranggong colonel ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-District Intelligence Division sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nadakip na suspect na si Randy Ganal ng #825 San Diego St., Sampaloc.

Nabatid na habang nagsa­sagawa ng surveillance at monitoring ang mga pulis sa posibleng carnapping at carjacking sa lugar ay napuna ang suspect na nakabisikleta sa San Diego St. dakong alas-2:30 ng hapon. 

Dahil sa kahina-hinalang kilos hinarang ito ng mga pulis at tinanong kung saan nakadestino at hinanapan ng identification card. Nakita sa suspect ang badge na peke kasama ang maraming PNP IDs na may ranggong Supt. (colonel) at may chief inspector (Major) at lieutenant. Maging ang series ng numero sa badge ni Ganal ay kaduda-duda na napatunayang peke rin.

Sa beripikasyon sa PNP Camp Crame, natiyak na hindi konektado o miyembro ng PNP ang suspect.

vuukle comment

CAMP CRAME

DAHIL

GANAL

ISANG

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

MAYNILA

NABATID

RANDY GANAL

SAN DIEGO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with