^

Metro

NCRPO chief nasungkit ang ikalawang estrelya

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Naging maaga ang pamaskong natanggap kahapon ng pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos na masungkit na ang kaniyang ikalawang estrelya.

Si Chief Supt. Nicanor Bartolome ng Philippine Mi­litary Academy (PMA) Class 1980 ay na-promote kaha­pon bilang Director na kauna-unahan sa kanilang magmi-mistah na umakyat sa naturang ranggo.

Sa isang simpleng sere­monya kahapon sa Camp Crame, pormal na nanumpa si Bartolome kay PNP Chief Director General Raul Bacalzo, tubong-Gerona, Tarlac.

Pinayuhan naman ni Bacalzo si Bartolome  na  panatilihin ang pagiging mapagpakumbaba sa gitna ng nakuha nitong ikalawang estrella sa kanyang balikat na hindi pa rin nakukuha ng maraming opisyal ng PNP at maging ng mga upper class ng opisyal sa PMA. Si Bartolome ay nag­silbi ring bilang dating Spokesman ng PNP sa panahon nina dating PNP Chief ret . Director General Panfilo Lacson at dating PNP Chief  ret. Director General Avelino Razon Jr.

vuukle comment

BACALZO

BARTOLOME

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NICANOR BARTOLOME

PHILIPPINE MI

SI BARTOLOME

SI CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with