^

Metro

AFP-NCRC0M red alert na hanggang Bagong Taon

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Upang matiyak ang seguridad at mapayapang sele­brasyon, pinalawig pa ng AFP-National Capital Region Command (AFP-NCRCOM) ang red alert status nito hanggang sa pagsalubong sa Bagong­ Taon.

Ayon kay AFP-NCRCOM Spokesman Lt. Col. Armand Rico, ipinag-utos ni AFP-NCRCOM Chief Major Gen. Arthur Tabaquero sa idineploy na tropa ng mga sundalo na paigtingin pa ang pagbabantay sa Metro Manila katuwang ng puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa kabila nito, kumambyo naman si Rico sa pagsasabing walang kinalaman sa travel warning ng anim na bansa   ang pagpapalawig pa ng red alert status ng AFP-NCRCOM.

Una nang nagbabala ang ilang bansa na may matin­ding ‘terror threat ‘ sa Pilipinas partikular na sa Metro Manila kung saan isa sa mga target pasabugin ng Jemaah Isla­miyah terrorist at ng kaalyado nitong mga bandidong Abu Sayyaf ang San Juan City.

Sa kasalukuyan, ayon sa opisyal ay patuloy ang kanilang beripikasyon hinggil sa sinasabing banta ng terorismo at posibleng mga nakapuslit umanong terorista sa Metro Manila.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMAND RICO

ARTHUR TABAQUERO

CHIEF MAJOR GEN

JEMAAH ISLA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION COMMAND

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SAN JUAN CITY

SPOKESMAN LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with