^

Metro

Cartographic sketch ng 2 sa 'Bundol Gang', inilabas ng PNP

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ng East­ern Police District (EPD) ang mga “cartographic sketch” ng dalawang hinihinalang mi­yembro ng bagong sindi­katong tinawag na “Bundol Gang” na nambibiktima ng mga OFWs, balikbayan at mga turista na dumarating sa bansa.   

Inilarawan ang unang sus­pek na nasa pagitan ng edad na 40-45 anyos, may taas na 5’10’’-6 feet, matipuno ang katawan, kayumanggi at na­ka­suot ng de-kulay na jacket na may hood at itim na pantalon. 

Sangkot ito sa panghohol­dap at pagtangay ng sasak­yan ng negosyanteng si Jorge Bernas, bayaw ni dating Pre­sidential daughter Luli Arroyo noong Hunyo 19 sa Pasig City.

Nasa pagitan ng edad na 28-35 anyos naman ang ika­lawang suspek, may taas na 5’7’’-5’9’’, katamtaman ang katawan, maputi, at nakasuot ng t-shirt at shorts.

Kabilang naman ito sa nambiktima sa American national na si Frederick Allan Boutcher, 62, sa EDSA-Shaw underpass sa Mandaluyong City nitong Hulyo 16.              

Nagbabala naman si EPD director Chief Supt. Francisco Manalo sa mga lumalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging ma­pagmatyag sa mga sumu­sunod sa kanila buhat sa paliparan upang hindi mabik­tima ng sindikato. Modus-operandi ng grupo ang pag-aabang ng mga OFW, balik­bayan o turista na may dalang malaking halaga buhat sa airport, susundan, at bubun­dulin sa likuran ang sasakyan pagdating sa alanganing lugar kung saan dito magdedeklara ng holdap. Sinabi pa ni Ma­nalo na karaniwang nag-ooperate ang sindikato ng apat hang­gang limang miyem­bro na armado ng mga handguns at maging carbine rifle. 

Naniniwala rin ang pulisya na may kasabwat ang sindi­kato sa mga tauhan ng air­ports na nagbibigay ng tip sa kanila kung sinong pasa­hero ng eroplano ang may dalang malaking halaga ng salapi sa kanilang bagahe. Nabatid na nakapambiktima na rin ang sindikato sa Pasay City at Maynila. 

vuukle comment

BUNDOL GANG

CHIEF SUPT

FRANCISCO MANALO

FREDERICK ALLAN BOUTCHER

JORGE BERNAS

LULI ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with