^

Metro

Pasyente nagbigti sa CR ng NKTI

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Wala nang buhay nang matagpuan sa isang comfort room ng National Kidney and Transplant Institute ang isang ginang na pasyente matapos na magbigti gamit ang kan­yang uniporme kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Emiliada Viado, 34, may-asawa, tubong Tacloban at residente sa 14 Lelan Drive St., Brgy. Balong Bato sa nasabing lungsod.

Ayon kay PO3 Joey Cor­tes, ng Quezon City Police District-Station 10 dakong alas-9 ng umaga nang ma­ tuk­lasan ng nurse na si Louise Abigael Bermundo ang kata­wan ng biktima na nakabitin sa towel bar ng comfort room sa 2nd floor sa Unit 2-A, room 2022 ng na­sabing ospital na matatag­puan sa East Avenue, Brgy. Central.

Bago naganap ang insi­dente, sinabi ni Bermundo na nakita pa niya ang biktima sa loob ng CR nang magsagawa siya ng routine check-up kung saan nagpa-alam na maliligo. Nagpasya si Bermundo na ba­likan na lamang ang bik­tima.

Makalipas ang ilang mi­nuto, muling bumalik si Ber­mundo sa kuwarto ng biktima ngunit nasa loob pa rin ito ng banyo kung kaya nagpasya na siyang katukin ito.

Subalit, makailang ulit na umanong kinakatok ng nurse ang pintuan ay hindi suma­sagot ang biktima kung kaya napilitan na siyang buksan ito kung saan tumambad sa harapan niya ang huli habang nakabitin sa towel bar gamit ang robe na pinolupot saka itinali sa kanyang leeg.

Agad na humingi ng tulong si Bermundo sa ibang kasa­mahan at tinanggal sa pagka­kabitin ang biktima saka ti­nang­­kang i-revive ito ngunit hindi na rin umubra pang maisalba.

Lumilitaw na Hulyo 7 nang i-admit sa naturang ospital ang biktima dahil sa sakit nitong cronic kidney diseases bukod pa sa pagkakaroon nito ng sakit na TB at inilagay sa TB ward isolation room.

Posible umanong hindi ma­tanggap ng biktima ang kanyang mga sakit kung kaya’t winakasan na ang kanyang buhay.

vuukle comment

BALONG BATO

BERMUNDO

BIKTIMA

BRGY

DRIVE ST.

EAST AVENUE

EMILIADA VIADO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with