^

Metro

Naaagnas na bangkay ng dalagita, nadiskubre

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng dalagita na may tama ng saksak sa katawan at mukha ang nadiskubre sa isang madamong bahagi ng bakanteng lote sa lungsod Quezon kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Zaida Jane Francisco, 17, out of school youth at residente ng Gloria St., Brgy. Gulod sa lungsod.

Pasado alas-6 ng gabi nang matagpuan ang katawan ng biktima ng residenteng si Erwin Mocorro habang naka­han­dusay ito sa bakanteng lote ng Golden HOA compound, Floren­tina St., Brgy. Gulod.

Sa panayam sa ina ng biktima na si Jenny Francisco, bago natagpuang bangkay ang anak, umalis ito ng kanilang bahay kasama ang isang Rica Mae Magayaga, 14, noong May 13, 2010 ganap na alas-6 ng gabi.

Inaalam pa ng pulisya kung ginahasa muna bago pinaslang ang biktima. Patuloy namang inaalam ang posibleng motibo sa krimen.

vuukle comment

BRGY

ERWIN MOCORRO

FLOREN

GLORIA ST.

GULOD

INAALAM

ISANG

JENNY FRANCISCO

RICA MAE MAGAYAGA

ZAIDA JANE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with