^

Metro

Kit Belmonte, umarangkada sa survey

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umarangkada si independent Quezon City 2nd District congressional bet Atty. Kit Belmonte sa isina­gawang survey ng  Quezon City Press Club (QCPC). Ang  nasabing survey na tinawag na Survey of Truth ay isinagawa mula Abril 26 hanggang 29, 2010 kung saan ang taxpayers ang respondents na aktuwal na nagsasagawa ng transaksiyon sa City Hall. Base sa resulta, naitala ang malaking lamang na 34.4 percent para kay Belmonte laban sa kanyang katunggali na si Winnie Castelo 24 percent na sinundan naman ni dating congressman Dante Liban sa botong 11.2 percen. Bunsod nito, ipinunto ni Belmonte na ang na­sabing survey ay lalong nagpa­liwanag sa pag-asa ng mga taga-ikalawang distrito ng QC  na magkaroon ng bagong lider na kakatawan sa kanila sa Kongreso.

ABRIL BELMONTE BUNSOD CITY HALL DANTE LIBAN KIT BELMONTE QUEZON CITY QUEZON CITY PRESS CLUB SURVEY OF TRUTH WINNIE CASTELO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with