Manu-manong bilangan, iginiit sa Comelec
() - May 5, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Muling umapela kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ang anak ni Manila mayoralty candidate Lito Atienza Jr. at campaign manager nito na si Ali Atienza na bumalik sa manu-manong bilangan matapos na madiskubre na depektibo ang halos 80 porsiyento ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.

Sinabi ng batang Atienza na nakatanggap sila ng mga tawag at reklamo buhat sa mga watchers nila dahil sa ginawang testing sa mga PCOS machines ay mali-mali ang bilang ng mga lumalabas na boto at kung hindi man ay napupunta ang bilang ni Mayor Atienza sa kanyang kalabang si Mayor Alfredo Lim.

Idinagdag pa nito na ilang araw na lamang bago mag-eleksyon kayat dapat na solusyunan na ng Comelec ang mga depektibong PCOS machines kung saan hindi lamang umano dito sa Maynila nangyayari kundi sa buong bansa.

Nilinaw naman nito na pabor din siya sa computerization election subalit hindi pa sa ngayon dahil hindi pa handa ang Comelec para dito.

Paliwanag pa ni Ali, hindi dapat na palitan lamang ng Comelec ang mga chips ng mga machines kundi dapat ay mismong ang machines dahil dito nakalagay ang program.

Paliwanag pa ni Ali, sanay na ang mga Filipino sa manu-manong botohan kayat hindi na maaring magkamali hindi tulad ng computerize na hindi pamilyar ang mga botante.

ALFREDO LIM ALI ALI ATIENZA COMELEC LITO ATIENZA JR. MAYOR ATIENZA PALIWANAG PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with