^

Metro

Canadian natagpuang patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natagpuang patay sa loob ng kanyang inuupahang silid sa isang hotel ang isang Canadian national sa hindi pa mabatid na dahilan noong Sa­bado ng gabi sa Makati City.

Kinilala ng kanyang Pilipi­nang kasintahan ang nasawi na si Thomas Alexander Cooke, 62-anyos. Natagpuan itong walang buhay sa loob ng Room 502 ng Great Eastern Hotel sa Makati Avenue, ng naturang lungsod.

Sa naantalang ulat ng Makati police, nabatid na nag-check-in sa naturang hotel sina Cooke at si Jeovelyn Ale­jan­ dro, nasa legal na edad, nitong nakaraang Sabado ng gabi.

Ayon kay Alejandro, iniwan niya ang dayuhan upang bu­mili sa labas ng kanilang pag­kain upang makamura da­kong alas-11:45 ng gabi. Ngu­nit pagbalik niya ay nakahiga na sa sahig sa loob ng ku­warto si Cooke.

Inakala umano ni Alejan­dro na nakatulog lamang sa labis na kalasingan ang kasin­tahan dahil umiinom umano ng alak ang lalaki nang kan­yang iwan kaya hinayaan niya munang makatulog ito.

Ngunit nang kanyang gi­gisingin na para lumipat sa kama ay saka lamang niya na­diskubre na wala na itong buhay kaya mabilis na humi­ngi ng tulong sa front desk ng hotel.

vuukle comment

ALEJAN

ALEJANDRO

AYON

GREAT EASTERN HOTEL

INAKALA

JEOVELYN ALE

KINILALA

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

SHY

THOMAS ALEXANDER COOKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with