^

Metro

Paslit tinarakan ng taong-grasa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kundisyon ang isang pitong taong gulang na batang lalaki makaraang tarakan sa sik­mura ng barbeque stick ng isang taong grasa na palaboy kamakalawa ng hapon sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Inoobserbahan pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jhan Jhan Tovello, ng C-4 Road, Letre, Barangay Tonsuya.

Nabatid na naglalaro sa tapat ng kanilang bahay ang biktima dakong alas-5:30 ng hapon nang mapa­raan dito ang hindi nakilalang taong grasang palaboy at walang sabi-sabing tinarakan ng BBQ stick ang paslit.

Nagpapalahaw naman ng iyak ang bata na sinaklolohan naman ng mga kaanak nito at agad na isinugod sa pagamutan. Nakumpirma na isang palaboy na maaaring wala sa sarling katinuan ang may kagagawan ng pananaksak base sa mga pahayag ng mga nakasaksi.

vuukle comment

BARANGAY TONSUYA

INOOBSERBAHAN

ISANG

JHAN JHAN TOVELLO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LETRE

MALABON CITY

NABATID

NAGPAPALAHAW

NAKUMPIRMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with