^

Metro

Libelo isinampa ng mag-amang Tinga vs agent ng PDEA

-

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong libelo ang mag-amang sina Taguig City Mayor Freddie Tinga at ama nitong si dating Supreme Court Associate Justice Dante Tinga laban kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jeffrey Roquero.

Isinampa ang kaso sa opi­sina ni Department of Justice Chief State Prosecutor Claro Arellano laban kay Intelligence Officer 2 Roquero dahil sa mga pahayag nito na nailathala sa isang pang-araw-araw na pa­hayagan.

Sa kanilang affidavit, kapwa sinabi ng mag-amang Tinga na ang artikulong lumabas noong Marso 4 ay “maliscious, false, base­less, and without factual basis”.

Sa naturang ulat, inakusa­han ni Roquero ang mag-amang Tinga na inimpluwen­siya­han umano si Pasig City Regional Trial Court Judge Raul Villanueva para madismis ang kaso sa iligal na droga ng mga sinasabing kaanak na sina Alberto at Fernando Tinga at isang Allan Carlos. Ibinase ang ulat sa “complaint affidavit” na isinumite ni Roquero sa Korte Suprema na humihiling na i-disbar si Judge Villanueva.

Iginiit ng mga Tinga na mis­mong si Roquero ang nagbigay ng kopya ng “complaint affi­davit” na dapat umanong isang “confidential” na dokumento.

“The publication of the arti­cle accusing them not only of influencing Judge Villanueva, but of coddling drug pushers, again without any proof thereto, has not only besmirched the repu­tation of a former high-ranking official in the judiciary, but has likewise affected the public’s perception on the Tinga family’s integrity and standing,” ayon sa pinagsamang affidavit ng mag-ama.

Kasama pa sa affidavit ng mga ito ang akusasyon na nag­pagamit umano si Roquero sa mga hindi kilalang pulitiko na layong sirain ang pangalan ng mga Tinga. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALLAN CARLOS

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE CHIEF STATE PROSECUTOR CLARO ARELLANO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FERNANDO TINGA

INTELLIGENCE OFFICER

JUDGE VILLANUEVA

ROQUERO

SHY

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with