^

Metro

Nanita nang nagbabaklas ng poster, inaresto

-

MANILA, Philippines - Nangangamba ang isang 25- anyos na lalaki para sa buhay ng kan­yang ama nang arestuhin ito matapos na sitahin nito ang mga taga- Ma­nila City hall na nagba­bak­­las ng poster ni da­ting Manila Mayor Lito Atienza sa kanilang lugar sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Michael Sit­chion ng #2237 M. Nati­vi­dad St. Sta. Cruz, May­nila, bigla na lamang uma­ nong inaresto ang kan­yang ama na si Dennis Sitchion ng mga operatiba ng MPD Station 3 ma­tapos nitong sitahin ang mga taga-City Hall.

Sa reklamo ni Mi­chael, dakong alas-10 kamakalawa ng gabi ng bigla na lamang dampu­tin ang kanyang ama sa gitna ng inuman dahil sa naimbitahan umano si Dennis ng kanilang mga kagawad dahil kaarawan nito. Ito ay ilang minuto pa lamang ang nakaka­lipas matapos niyang sitahin ang ilang taga-city hall na nagbabaklas ng poster ni Atienza.

Nagtataka naman ang batang Sitchion kung bakit sa dinami-dami ng mga kainuman ng kan­yang ama ay ito lamang ang hinuli ng pulisya at ka­agad ikinulong sa Sta­tion 3 dahil sa umano’y kasong drinking in public at illegal possession ng replica ng baril.

Nangangamba na­man si Michael sa po­sibleng patuloy pa silang makatanggap ng har­rass­ment mula sa pu­lisya at City Hall dahil iden­tified silang sup­porter ng ka­laban sa pu­li­tika ng mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ATIENZA

CITY HALL

CRUZ

DENNIS SITCHION

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MICHAEL SIT

NANGANGAMBA

SHY

ST. STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with