^

Metro

Lider ng robbery gang nalambat

-

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office ang isa sa mga lider ng kilabot na Ampang Colangco Robbery Group kamakailan sa lalawigan ng Cavite.

Iprinisinta kahapon ni NCRPO Director Roberto Ro­sales ang nadakip na suspek na si Felimon Taghoy, alyas Emong. Pinaniniwalaan na isa ito sa mga lider ng na­tu­rang grupo na nagsasa­gawa ng panloloob sa Metro Manila.

Naaresto si Taghoy ng mga tauhan ng Regional Police Intelligence and Ope­rations Unit dakong alas-3 ng hapon noong Pebrero 18 sa bisa ng warrant of arrest na ini­labas ni Judge Lorna Na­varro ng NCR Regional Trial Court branch 201 sa Las Piñas.

Sa rekord ng NCRPO, sangkot si Taghoy sa mga panloloob sa Landbank, West Avenue, Quezon City noong Enero 2008; Banco de Oro armored van robbery sa Parañaque City noong Hunyo 4, 2007; BDO sa San Fer­nando, Pampanga noong Peb­­rero 9, 2005; Country Rural Bank of Taguig noong Oktubre 15, 2004; BDO armored van sa SM North EDSA, Quezon City noong Oktubre 15, 2004.

Kasama rin siya sa panlo­loob sa Premier Bank, Las Piñas City noong Enero 20, 2004; BPI Family Bank sa Molino, Bacoor, Cavite noong Setyembre 10, 2003; Asia Trust Ever Gotesco, Com­mon­wealth, Quezon City noong Hulyo 1, 2003; Pru­dential Bank, Evacom, Para­ñaque City noong Pebrero 12, 2003; at Asia Trust Ever Gotesco noong Hulyo 2002.

Sinabi ni Rosales na na­sawata ang isang posibleng pagsalakay ng sindikato sa pagkakadakip ni Taghoy matapos aminin nito na naki­kipagpulong siya sa mga natirang miyembro ng Alvin Flores Gang para sa isang malaking operasyon.

May target na umano silang ilang bangko at nagsa­sagawa ng recruitment sa mga guwardiya para sa operasyon.

Dahil dito, muling nanawa­gan si Rosales sa mga may-ari at manager ng mga bangko, malls at iba pang establisimiyento na mag-ingat laban sa posibleng pagsa­lakay ng mga sindikato. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALVIN FLORES GANG

AMPANG COLANGCO ROBBERY GROUP

ASIA TRUST EVER GOTESCO

CAVITE

COUNTRY RURAL BANK OF TAGUIG

LAS PI

NOONG

QUEZON CITY

SHY

TAGHOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with