^

Metro

Kelot nagbigti sa mismong birthday

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 45-anyos na lalaki ang kanyang buhay sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa pa­mamagitan ng pagbigti sa sarili kamakalawa ng gabi sa Malate Maynila.

Nakapulupot pa sa leeg ni Avelino Bajet, miyembro ng Manila City Hall -City Security Force (MCH-CSF) ang asul na kumot nang matag­puan ng kanyang live-in partner na si Rosanna Sicat, ng San Andres St., Leveriza, Malate, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -9 ng umaga ng huling ma­kitang buhay ni Sicat ang biktima kung saan nakiki­pag-inuman ito sa kanyang mga kaibigan dahil nagdiri­wang ng kanyang birthday.

Dakong ala-6 ng gabi nang katukin niya ang bik­tima sa kuwarto at hindi su­masagot. Dito na nagduda si Sicat hanggang puwer­sahan niyang binuksan ang pintuan at doon niya nakita ang walang buhay na ka-live in.

Sa pahayag ni Sicat sa pulisya, madalas na nagi­ging emosyonal at sentimental ang biktima kapag nala­lasing bunsod na rin ng kan­yang problema sa tra­baho.

Dinamdam umano nito ang ginawang pagsasampa ng kaso sa kanya ng kapwa CSF, sa Ombudsman dahil sa indiscriminate firing.

Ipinakita pa umano kay Sicat ng nasawi ang complaint sheet na isinampa sa kanya at labis umanong na­apektuhan ang biktima sa naturang kaso.

vuukle comment

AVELINO BAJET

CITY SECURITY FORCE

JONATHAN BAUTISTA

MALATE MAYNILA

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ROSANNA SICAT

SAN ANDRES ST.

SHY

SICAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with