^

Metro

LTO binira sa refund ng RFID fee

-

MANILA, Philippines - Binatikos ng transport group ang Land Transportation Office matapos ihayag na sa susunod na taon na lang ito mag-re­refund ng perang naiba­yad ng mga car owners para sa Radio Frequency Identification Device (RFID).

Ayon sa grupong Ba­ngon Transport at Prog­ress and Reforms Oriented Transport organization Network Inc., kinaka­ila­ngang maibalik sa loob ng taong ito ang RFID fee sa mga moto­rista dahil hindi naman naipatupad ang natu­rang proyekto at walang na­ging pakinabang dito.

Kinuwestiyon din ng Proton ang LTO sa pag­tatanggol nito sa Strad­com Corporation dahil ang huli ang dapat na magrefund ng RFID fee dahil ito ang naningil sa mga motorista.

Umaabot sa 90,000 motorista ang humihingi ng refund ngayon sa Strad­com Corporation matapos na ito’y iutos ng Mala­cañang.

Inatasan din ng Korte Suprema ang LTO na pahintuin ang paniningil ng RFID fee matapos na katigan ang petisyon ng Piston, Anak­pawis, Bayan Muna at Gabriela dahil ito ay ilegal at hindi dumaan sa bidding bukod pa sa hindi apru­bado ng NEDA. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANAK

AYON

BAYAN MUNA

BUTCH QUEJADA

KORTE SUPREMA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NETWORK INC

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION DEVICE

REFORMS ORIENTED TRANSPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with