^

Metro

Pahinante hulog sa truck, todas

-

MANILA, Philippines - Dahil sa biglaang pagpreno ng driver ng isang 6-wheeler truck, nahulog mula sa truck ang 16-anyos na pahinante at dumausdos din ang mga karga­mento na dumagan dito at naging dahilan ng kanyang ka­matayan sa Intramuros, May­nila, sa ulat kahapon.

Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital ang biktimamg si Mark Adrian Paccurza,ng Dagot St., Brgy. Manresa, Que­zon City.  

Inaresto naman ang driver ng truck ( ZGH 389) na si Ed­gardo Batucan, 46, may de­livery mula sa Felport Inter­national Marketing at re­sidente ng Sitio Kabatuhan, Va­lenzuela City.

Ayon sa report, dakong alas-4 ng hapon ng maganap ang insidente sa P. Burgos St., Intramuros, Maynila.

Nabatid na apat na pahi­nante ang sakay ng nasabing truck kabilang ang biktima na patungo umano sa Quiapo upang ideliber ang mga kahon na naglalaman ng mga pro­dukto mula sa Felport Inter­national Marketing nang biglang nagpreno ang driver.

Nahulog ang biktima ka­sunod naman ng pagkakalagot ng mga tali ng kargamento na dumausdos at dumagan sa katawan ng biktima.

Ang bystanders na ang nagsabi sa driver na huminto dahil hindi umano nito alam ang na­ga­ganap sa likuran ng kanyang truck.

Kasong reckless impru­dence resulting to homicide ang isasampang kaso laban sa driver ng truck. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BURGOS ST.

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DAGOT ST.

FELPORT INTER

INTRAMUROS

LUDY BERMUDO

MARK ADRIAN PACCURZA

SHY

SITIO KABATUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with