^

Metro

Bebot lumaklak ng lason

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang babae ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaning solution makaraang hindi na makayanan ang pagkalango sa alak ng kanyang live-in partnet kahapon ng umaga sa Barangay Bagong Barrio, Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital ang bikti­ mang si Roselle Andico, 19 anyos, ng Evangelista Street, Barangay Bagong Barrio.

Sa ulat ng pulisya, na­diskubre ni Marlon Samson, 22-anyos, ang live-in partner niyang si Andico na bu­mubula ang bibig sa loob ng kanilang kuwarto dakong alas-5:00 ng umaga. Nakita nito sa tabi ng biktima ang isang botelya ng silver cleaning solution na ininom nito ang laman.

Isinugod ni Samson ang kinakasama sa pagamutan ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito dahil sa may ilang oras na umano nang inumin nito ang lason.

Nabatid na bago ang insidente, sinundo ng bik­ tima si Samson sa isang inu­man sa bahay ng kanilang kapitbahay. Hindi naman nagpapigil sa pag-inom ang lalaki sanhi upang umuwi ang biktima na masama ang loob.

Nang matapos ang inu­man ay umuwi na si Marlon subalit laking gulat nito nang makitang bumubula ang bibig ng biktima at naka­han­dusay sa loob ng kanilang bahay.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng bik­tima.

vuukle comment

ANDICO

BARANGAY BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

EVANGELISTA STREET

INAALAM

ISINUGOD

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MARLON SAMSON

ROSELLE ANDICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with