^

Metro

Misis tinodas si mister bago nagpatiwakal

-

MANILA, Philippines - Binaril muna ang asawa at nang mamatay ay saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pag­laslas sa kanyang pulso ang isang ginang dahil sa labis na depresyon ma­ka­raang magtalo dahil sa pagkakaroon umano ng babae ng una sa lungsod Quezon.

Ito ang pinalalagay ng mga awtoridad na dahi­lan sa pagkamatay ng mag-asawang sina Maxi­mino Araseles, 48, baran­gay tanod; at Merlinda, 46, na natagpuan na kapwa walang buhay ng kanilang 16 anyos na anak na si Mau­rine sa loob ng kanilang tahanan sa # 4987 Unit 1 Lower Bayanihan St., Litex, Ba­rangay Commonwealth sa lungsod kahapon ng umaga.

Ayon kay P03 Alden Lassam, ng Police Station 6, ang ginang ay na­tag­puang naliligo sa sarili nitong dugo habang na­kahandusay sa may sala na laslas ang kaliwang pulso kung saan nakita sa tabi nito ang isang kitchen knife.

Ang asawa nito ay nakita namang walang buhay sa master’s bedroom na nasa ikalawang palapag ng bahay na na­kahiga sa kama at naka­suot lamang ng underwear at may tama ng bala sa likod. Nakita rin sa tabi ng lalake ang kalibre 38 baril.

Sinabi ng pulisya na posibleng kagigising lamang ni Maurine nang matuklasan niya ang na­sabing insidente.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago nangyari ang insidente, narinig pa ng kapitbahay na si La­arni Templado na nag­tatalo ang mag-asawa dahil sa umano’y ibang babae ng mister.

Ayon kay Templado, kamakalawa ay nagtu­ngo pa sa kanyang bahay ang ginang at ibinulalas nito ang kanyang prob­lema hingil sa pagkaka­roon ng babae ng asawa na nag­ dulot dito ng labis na de­presyon.

Pinalalagay ng pu­lisya, na sa pagtatalo ay posibleng nabaril ni misis ang kanyang mister bago ito bumaba sa kanilang sala at kumuha ng kut­silyo para magpa­ka­matay sa pamama­gitan naman ng paglas­las sa kanyang pulso. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALDEN LASSAM

ARASELES

AYON

BINARIL

LOWER BAYANIHAN ST.

POLICE STATION

RICKY TULIPAT

SHY

TEMPLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with