^

P1-M fireworks display sa Maynila

() - December 31, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bilang pagsalubong sa Bagong Taon, inaanyayahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga Manilenyo na samahan silang saksihan ang fireworks display na isasagawa mama­yang gabi sa Rajah Sulayman Park sa Maynila.

Ayon kay Chief of Staff Ric de Guzman, ang fireworks na nagkakahalaga ng isang milyon ay programa ng city government upang ma­iwasan nang pagpaputok pa ang mga resi­dente  na maaaring magdulot ng disgrasya.

Sinabi ni de Guzman na ito ay isang paraan upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng  mga nasusugatan sa pagsisindi ng mga pa­putok. Isa na itong makabago at ligtas na paraan ng pagsalubong sa bagong taon.

Aniya, ang fireworks display ay magpapa­kita ng iba’t ibang magagandang pagpapa­putok na lubha namang hahangaan dahil isa­sa­gawa ng mga eksperto. Bukod sa fireworks, magkakaroon din ng mga programang mapa­panood ang mga resi­dente ng Maynila habang sinasalubong ang  taong 2010. (Doris Franche)

BAGONG TAON CHIEF OF STAFF DORIS FRANCHE GUZMAN MANILA MAYOR ALFREDO LIM MAYNILA RAJAH SULAYMAN PARK SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with