^

Metro

Parak inambus, todas

-

MANILA, Philippines - Isang retiradong pulis ang nasawi nang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek pagkagaling niya sa isang sabungan pauwi ng kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Potrero, Malabon City.

Binawian ng buhay ha­bang  ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama bala sa tiyan ang biktimang si Retired SPO2 Delson Ferry, 58, naka­tira sa  Phase 3C, Kaunlaran Village, Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigas­yon, naganap ang insidente dakong alas-12 ng madaling- araw sa kahabaan ng Araneta Avenue, Brgy. Potrero.

Nakasakay ang biktima, ang kanyang anak at isang Aling Lita sa isang tricycle na minamaneho ni Rogelio Co­milos galing sa isang sabu­ngan nang bigla silang hina­rang ng mga suspek.

Dalawa sa mga suspek ang agad na lumapit sa bik­tima at kinuha ang dalang clutch bag nito bago hinatak palabas sa triclycle at binaril.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang Honda TMX na walang plaka habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan.

Inaalam na ng mga pulis kung holdap lang ang pakay ng mga suspek o may iba pang motibo sa nasabing in­sidente kung saan inaalam pa kung magkano ang laman ng clutch bag ng biktima na tina­ngay ng mga suspek. (Lor­deth Bonilla)

vuukle comment

ALING LITA

ARANETA AVENUE

CALOOCAN CITY

DELSON FERRY

KAUNLARAN VILLAGE

MALABON CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

ROGELIO CO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with