^

Metro

Binabantayang condo, sinalakay ng 7 armado: 2 sekyu sugatan

-

MANILA, Philippines - Dalawang security guard ang nasugatan matapos na pasukin ng mga armadong kalalakihan ang binabantayan ng mga itong condominium sa lungsod Quezon kamakalawa.

Nakilala ang mga sugatan na sina Rogelio Abaga, 35, ng Blk. 27, Lot 2 Kingstown Subd., Caloocan City   at Jose   Caballero, 30, kapwa stay-in se­cu­rity guard sa Millenium Bldg. Mindanao Avenue kanto ng Road 20, Brgy. Bahay Toro ng nabanggit na lungsod.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang mga suspek kung saan nakilala ang isa na si Pablo Serrat.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa Millenium Building kanto ng Mindanao Avenue at Road 20, Brgy. Bahay Toro, sa lungsod ganap na alas-11:05 ng gabi. Sinasabing nagbabantay ang mga naturang security guard sa naturang condo­minium building nang biglang pasukin sila ng grupo ng mga kalalaki­han at paputukan gamit ang sumpak.

Mabilis ding nagsipagtakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Hinihinala ng mga awtoridad na ang mga galit na illegal vendors ang siyang may kinala­­man sa naturang insidente   matapos umanong magsa­gawa ng clearing operation ang mga    security guard ng naturang building. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABAGA

BAHAY TORO

BRGY

CALOOCAN CITY

MINDANAO AVENUE

PABLO SERRAT

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with