^

Metro

Gangster ng Tondo patay sa rambulan

-

MANILA, Philippines - Napatay sa isang ram­bulan ang isang 19-anyos na gangster habang da­lawa sa mga kasama nito ang sugatan din sa Tondo, Manila kamaka­lawa ng gabi.

Wala nang buhay nang maipasok sa Gat Andres   Bonifacio Hospital sa Tondo ang biktimang si Benjie Bernovez, 19, sinasabing miyembro ng Exodus Gang, at residente ng Rawis Street, Barangay 118 Zone 9, Tondo, dahil sa dami ng tina­mong sak­sak sa katawan.

Una umanong namaril ang armado ng shotgun na si Bernovez kung saan tinamaan niya ang kapit­bahay na sina Ryan Bor­nales, 22, at Roberto Ja­barillo, 29.

Sa ulat ni Det Jaime Gonzales Jr ng Manila Police District-Homicide Section, nag-ugat ang insi­dente nang magkainuman ang grupo ni Bornales dahil sa selebrasyon ng kaarawan ng isang kaibi­gan at dakong 9:00 ng gabi nang magkarambulan sa panulukan ng Rawis at Chesa Streets sa Tondo.

Isang alyas “Aso” ang nagpasaklolo sa grupo ng nag-iinuman at sinabing hinahabol siya ng shotgun ni Bernovez at tatlo pang mi­yembro ng Exodus gang.

Nang lalapitan na ng grupo ni Bornales ang gang­ster, bigla silang sinalubong ng putok ni Bernovez.

Nang may masapul ng bala sa grupo ni Bor­nales ay kinuyog ng kani­lang grupo ang gangster group at pinagsasaksak si Bernovez. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BENJIE BERNOVEZ

BERNOVEZ

BONIFACIO HOSPITAL

BORNALES

CHESA STREETS

DET JAIME GONZALES JR

EXODUS GANG

GAT ANDRES

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with