Vicki Belo 'swak' sa butt implant
MANILA, Philippines - Madidiin ang Belo Medical Group (BMG) at ang celebrity doctor na si Vicki Belo sa reklamong iniharap ng negosyanteng si Josefina Norcio kaugnay sa palpak na hydrogel butt augmentation.
Ayon kay Ross Bautista, Deputy Director for Intelligence Services (DDIS) ng National Bureau of Investigation (NBI) na base sa mga nakuhang ebidensiya, may ‘negligence’ sa panig ng BMG at ni Dr. Belo sa paghawak ng implant kay Norcio.
“During the BMG assessment on Norcio, based on her statement, Dr. Belo assured her that having hydrogel implanted was okay. It was because of that assurance that she was convinced to undergo the butt augmentation surgery according to the complainant,” ani Bautista.
Kabilang din sa nagpabigat ng kaso ang advertisement sa website ng BMG na ang hydrogel ay isang “permanent filler” na walang panganib kahit i-implant sa pasyente.
Gayunman, maaari pa umanong mabago ang inaasahang findings nila dahil hindi pa nila nakukunan ng paliwanag ng personal si Belo, na ayaw sumipot sa imbestigasyon ng NBI.
Hindi rin umano natatagpuan ang isang nagsailalim sa butt augmentation kay Norcio na si Dr. Ronaldo Cayetano.
Samantala, si Dr. Francisco Decangchon Jr. pa lamang ang nagbigay ng kanyang paliwanag.
- Latest
- Trending