^

Metro

Barker tinarakan ng kapwa barker

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na barker matapos na pagsa­saksakin ng umano’y kapwa barker habang ang una ay mahimbing na natutulog sa isang bangketa sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Dalawang tarak ng saksak sa dibdib ang dahilan upang hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Rey­naldo Obang, biyudo, ng Brgy. Lower Pasong Tamo sa lungsod.

Natukoy naman ang sa­larin sa alyas “Bong” sina­sabing isa ring barker at ngayon ay pinaghahanap na ng batas.

Ayon kay PO3 Joseph Madrid, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Katamlad St. Brgy. Doña Josefa sa lungsod ganap na alas-10:30 ng gabi.

Bago ang insidente, naki­pag-inuman umano ang bik­tima sa mga kasamahan nitong barker, at nang ma­lasing ay nagpasya itong matulog. Sinasabing dahil may namuong alitan sa pa­gitan ng biktima at suspek sa inuman, ay sinamantala ng huli ang pamamahinga ngunit sinun­dan ito ng suspect at saka inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Bagamat may saksak na ay nagawa pang magising at makatakbo ng biktima subalit bumulagta na lamang ito.

 Agad namang tumakas ang suspek habang ang bik­tima ay isinugod naman ng mga residente sa Orthopedic Hospital ngunit idineklara din itong patay.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

BRGY

DALAWANG

JOSEPH MADRID

KATAMLAD ST. BRGY

LOWER PASONG TAMO

ORTHOPEDIC HOSPITAL

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with