^

Metro

Kotse bangga sa gusali: Dalaga todas

-

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na dalaga ang patay habang malubhang nasugatan naman ang kasama nito makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang Honda City sa harapan ng isang gusali sa lungsod Quezon. Sa ulat, dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng aksidente ang biktimang si Janina dela Cruz ng Gen. T. de Leon Valenzuela City. Habang ang kasama nito at siyang nagmamaneho na si Savanah Lamsen, 23, ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente ganap na alas-5:15 ng umaga sa may kahabaan ng Mindanao Avenue, malapit sa Sauyo Rd., partikular sa harap ng Bldg. 29 Topico dito. Sinasabing minamaneho ni Lamsen ang isang Honda City (WEY-182) at sakay si dela Cruz patungong Quirino Avenue nang biglang mawalan ng kontrol ang una sa manibela at humampas sa roll window ng naturang gusali.

Sa bilis ng pagtakbo ng sasakyan matapos humampas sa bintana ay tumagilid ito bago nagtuluy-tuloy na umusad at muling humampas sa marmol na dingding ng gusali dahilan upang magkayupi-yupi ang naturang sasakyan. Ang lakas ng impact ng naturang sasakyan ang nag­dulot sa biktimang si dela Cruz ng labis na pinsala sa buong kata­wan kung kaya idineklara itong dead on the spot. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

CRUZ

HONDA CITY

LEON VALENZUELA CITY

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUIRINO AVENUE

RICKY TULIPAT

SAUYO RD

SAVANAH LAMSEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with