^

Metro

2 pamilya nagsagupa: 1 patay, 2 sugatan

-

MANILA, Philippines – Isa ang patay, habang dalawa naman ang kritikal matapos na mag-salpukan ang dalawang pamilya, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang napatay na si Narciso Abejero, 43, ng Comembo, nabanggit na lung­sod na agad na na­sawi sa mismong pinang­yarihan ng insidente bunga ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan naman ngayon ginagamot pa sa pagamutan ang dalawa sa nakasagupa nito na sina Nestor at Rodolfo Papiona, kapitbahay ng nasawi bunga ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Batay sa ulat, pasado alas-9 ng gabi nang unang magkagulo ang dalawang pamilya nang bugbugin umano ng isa sa miyembro ng pamilya Papiona ang pamangkin ng nasawi.

Ilang minuto pa ay nag­wala na ang nasawi at si­nu­god ang bahay ng pa­milya Papiona dala ang isang baril.

Agad umanong sunud-sunod na nagpaputok ang nasawi bago mabilis na tumakas dala ang ginamit na baril, ngunit agad naman itong hinabol at kinuyog ng mga miyembro ng pamilya Papiona.

Ilang minuto pa ay na­kita na lamang na duguan at wala ng buhay na hu­man­dusay sa lupa si Abe­jero na puno ng saksak sa iba’t ibang parte ng ka­tawan nito. (Rose Tamayo-Tesoro)


vuukle comment

BATAY

COMEMBO

ILANG

ISA

MAKATI CITY

NARCISO ABEJERO

PAPIONA

RODOLFO PAPIONA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with