^

Metro

3 holdaper todas sa shootout

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Tatlo sa limang holda­per na nagtangkang mang­holdap sa isang hardware ang nabaril at napatay ng mga tauhan ng pulisya kahapon sa Quezon City.

Base sa report ni P/Supt. Alex Sintin, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang tangkaing holdapin ng mga suspek ang isang hardware sa Road 20, Project 8, Quezon City.

Dahil sa tip na kahina-hinalang kilos ng mga suspect ay agad na rumes­ponde ang pulisya sa lugar at doon nga nadatnan ang limang suspect.

Sinita ng mga pulis ang mga suspect na sa halip na sumuko ay mabilis na nag­sisakay sa dala nilang dalawang motorsiklo para magsitakas kasabay nang pagpapaputok ng baril sa mga pulis.

Nagkaroon ng ilang mi­nutong habulan at pag­pa­palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang tatlo sa mga suspect samantalang nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng mga ito.

Inaalam pa ng pulisya kung saang grupo kabilang ang mga nasawi.


vuukle comment

ALEX SINTIN

DAHIL

INAALAM

NAGKAROON

QUEZON CITY

SHY

SINITA

TATLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with