^

Metro

Magkapatid na paslit, magkayakap nasunog

-

Natagpuang magkayakap pa ang wala nang buhay na mag­kapatid nang hindi na ma­kalabas sa nasusunog nilang bahay sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na sina   Renz Dominic Huyera, 4; at   Dominic, 3, kapwa residente ng #3216 Felix Roxas St., Sta. Ana, Maynila.

Samantala, nagtamo na­man ng 3rd degree burns ang ina nilang si Jasmine Huyera, 30 at facial burns naman sa 2-buwang gulang na bunsong si Darlyn, na kap­wa isinugod sa Mandaluyong Medical Center.

Sa ulat ni SFO2 Emmanuel Gaspar, Arson Investigator ng Manila Fire Bureau, dakong alas-12:41 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng apart­ment na inuupahan ng mag-iina na pag-aari ni Carol Perez.

Hindi nasaktan ang may-ari ng bahay na si Perez habang nang magising si Jasmine ay mabilis nitong inilikas ang sanggol at naiwan umano ang dalawa pang anak.

Nang humupa ang apoy ay nakita na lamang na nasa pintuan na ang magkayakap na magkapatid na pinaniniwala­ang na-trap ng bumagsak ng uma­apoy na kahoy na tuluyang lumamon sa kabahayan.

Ala-1:55 ng madaling-araw nang ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa ika-4 na alarma.

Faulty electrical wiring ang hinalang sanhi ng sunog ba­gamat patuloy pa ang isinasa­gawang imbestigasyon.  (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARSON INVESTIGATOR

CAROL PEREZ

EMMANUEL GASPAR

FELIX ROXAS ST.

JASMINE HUYERA

LUDY BERMUDO

MANDALUYONG MEDICAL CENTER

MANILA FIRE BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with