^

Metro

Suspek sa pagpatay nadakip sa barko

-

Isang lalaki na suspek sa isang kasong pag­patay ang naaresto ng mga operatiba ng Philip­pine Coast Guard ma­tapos itong sumakay sa isang pampasaherong barko habang patungo sa Port of Manila.

Si Masif “Pakpak” Pa­pandayan, 38, tubong Tuburan, Lanao del Norte ay naaresto ng mga sea marshalls habang sakay sa Our lady of Good Vo­yage dakong alas-4 ka­makalawa ng mada­ling-araw.

Ayon kay PCG Chief Vice Admiral Wilfredo Tamayo, si Papandayan ay mayroong warrant of arrest mula sa Dasma­riñas, Cavite Regional Trial Court Branch 90 dahil sa kasong pag­patay.

Bago maaresto ang suspek, sumakay ito sa barko mula sa Iligan upang bumalik sana sa Maynila matapos ang may isang taong pagta­tago sa batas.

Nabatid na tatlong oras bago tuluyang du­ma­ong sa Pier 15 sa pier ang barko ay nadakip naman ang suspek ng mga sea marshal ma­tapos na mamataan ito na isa pala sa mga pa­sahero doon. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

CAVITE REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CHIEF VICE ADMIRAL WILFREDO TAMAYO

COAST GUARD

DASMA

GEMMA AMARGO-GARCIA

GOOD VO

ILIGAN

PORT OF MANILA

SHY

SI MASIF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with