^

Metro

Bading na guro timbog sa pangmomolestiya

-

Isang high school teacher ng Sta. Isabel College ang ipinadakip ng kanyang binatilyong estudyante matapos umano siyang molestiya­hin sa loob ng school campus, sa Ermita, May­nila, sa ulat kahapon.

Kasalukuyang pinipigil sa Manila Police District-Integrated Jail ang suspect na si John Christian Espinola, 25, Social Studies teacher, bunga ng reklamong idinulog ng biktimang itinago sa pangalang “Boy”, 15, 4th year high school ng nasabing paaralan.

Sa ulat ni PO3 Ronald Carlos ng MPD-General Assignment Section (GAS) dakong alas-9 ng gabi kamakalawa nang maganap ang umano’y pang-aabuso sa biktima, sa loob ng Student Affairs Office ng SIC, sa Taft Ave., Ermita, Manila.

Sa salaysay ng biktima, may pagdiriwang umano ng gabing iyon sa paaralan at siya ay isa sa ushers. Nagtungo umano sa comfort room ang biktima na sinundan naman ng suspect na guro at niyaya ng huli ang una sa Student Affairs Office at doon umano na­gawang hawakan ng guro ang ari ng biktima at saka isinubo.

Dahil sa pangyayari, rumesponde ang pu­lisya at inaresto ang suspect, dakong 1:30 kahapon ng madaling-araw, sa tapat ng gate ng SIC. Mariin namang itinanggi ng suspect ang akusasyon. Nakatakda namang sampa­han ng kaso ang naturang guro.  (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ERMITA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

ISABEL COLLEGE

JOHN CHRISTIAN ESPINOLA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-INTEGRATED JAIL

RONALD CARLOS

SOCIAL STUDIES

STUDENT AFFAIRS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with