^

Metro

Mister dedo sa serial killer

- Rose Tamayo-Tesoro -

Karumal-dumal na kamatayan ang sina­pit ng isang mister ma­ta­pos itong mapag-tri­pang bugbugin at bag­sakan pa ng malaking tipak na bato sa ulo ng gumagalang umano’y “serial killer”, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang ida­ting sa ospital  sanhi ng mga tinamong lamog, sugat sa iba’t ibang parte ng kata­wan at pagkabasag ng bungo ang biktimang si Lucky Dumdum, 29, resi­dente ng Phase 4, Package 1, Block 30, Lot 6, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Hanggang sa kasa­lu­kuyan naman ay pa­tuloy na nagsasagawa ng masusing imbesti­gas­yon ang mga awto­­ridad upang ma­tukoy ang pagkakaki­lanlan sa suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa isina­ga­wang imbestigasyon, dakong alas-7:20 ng gabi nang maganap ang nasabing insi­dente sa kahabaan ng Sitio Matarik, Brgy. 175, Camarin, Calo­ocan City.

Kasalukuyan uma­nong naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang makasa­lubong nito ang suspect na bangag na bangag sa ipinagba­bawal na droga at nan­­lilisik ang mga mata.

Agad umanong ni­la­pitan ng suspect ang biktima at walang sabi-sabing binugbog ito at nang human­du­say na ang huli sa lupa ay agad na bi­nag­­sakan pa ng ma­laking tipak ng bato sa ulo.

Matapos ito, ma­bilis na tumakas ang suspect sa hindi na­tukoy na direksiyon, habang ang biktima naman ay isinugod ng ilang bystanders sa nabanggit na paga­mutan ngunit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Nabatid na hindi ito ang unang insidente na may kahalintulad na estilo ng pama­mas­lang sa ilang mga duma­raan sa lugar na sinasabing ­ng isang lulong sa droga na “serial killer”.

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

LUCKY DUMDUM

SHY

SITIO MATARIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with