^

Metro

Presyo ng manok tumataas

-

Dahil sa matinding init ng panahon na na­raram­daman ngayon ay malaki ang naging epekto nito hindi lamang sa pagpa­palaki ng mga manok kundi pati na rin sa presyo ng karne nito.

Simula  kahapon ay naramdaman na ng mga mamimili ang pag­taas ng presyo sa kada-kilo ng karne ng manok sa iba’t ibang pamilihan.

Sa panayam sa ilang poultry raisers, wala naman umanong shortage sa supply ng manok kundi nagkaroon la­mang ng problema sa pagpa­palaki sa mga ito dahil sa sobrang init ng panahon.

Nakaranas din uma­no ng heat stroke ang mga manok na naging ugat ng pagkamatay ng ilan sa mga ito.

Ayon sa isang Efren Alcantara, poultry farm owner, dahil sa tindi ng init ng panahon ay ma­laki ang naging epekto nito sa kalusugan ng mga manok kung saan nagiging pandak at payat ang mga ito da­hilan upang gumaan ang kanilang timbang.

Dahil na rin umano sa pahirapang pagpa­palaki sa mga manok ay walang magawa ang mga poultry raisers kundi gastusan ito para sa mahabol ng kaukulang timbang na naging dahilan upang maapektuhan rin ang presyo ng karne nito.

Nabatid na simula kahapon ay umaabot na sa P15-20 ang itinaas sa presyo ng kada-kilo ng dressed chicken sa mga pamilihan ng Kalakhang Maynila.

Mula naman sa da­ting P120-P130 kada-kilo ay umabot na kaha­pon sa P150 ang kilo ng dressed chicken sa ibang pa­milihan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

DAHIL

EFREN ALCANTARA

KALAKHANG MAYNILA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with