^

Metro

Lady pilot binaboy ng dating nobyo

- Angie dela Cruz, -

Isang piloto ang ini­reklamo kahapon nang  pang-aabusong sexual sa Pasay City Police ng kanyang dating nobya makaraang pasukan niya ng bote ng beer ang ari nito at i-anal sex ang babae  sa isang motel ka­makailan.

Matinding galit ha­bang nagsasalaysay sa pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Malou, 34,  dalaga, 1st officer pilot ng Air Philippines, residente ng Boston St., Brookside Hills, Cainta, Rizal.

Kinilala naman ang suspek na si Captain Arthur Vicencio, 41, naka­talagang piloto sa na­banggit na airline at resi­dente ng #78-1 United Nation Avenue, Better Living, Parañaque City.

Sinabi ni Malou na naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7:00 at alas 9:00 ng gabi ng Abril 24, sa Monaliza Motel sa Pasay City. Dati niyang nobyo ang suspek.

Sinabi ng biktima na puwersahan siyang di­nala ni Vicencio sa motel  sa  kabila ng pagmama­kaawa niya.

Ngunit walang ma­ga­wa ang dalaga dahil mas malakas sa kanya ito at sa loob ng motel, sa ka­bila na walang tigil na pagmamakaawa ng da­laga ay puwersahan siyang hinalay ng lalaki.

Kumuha pa ng isang bote ng beer na meron pang laman ang suspek at ipinasok sa ari ng da­laga hanggang sa binuh­os ang laman nito sa kanyang ari at i-anal sex siya.

Hindi makakilos ang dalaga sa ginawang pam­bababoy sa kanya ng lalaki dahil dinaganan siya nito, kung saan nag­dugo ang bandang pu­wetan at ari ng dalaga sa ginawa sa kanya ng sus­pek. Matapos nito ay basta-basta na lamang iniwan ng lalaki ang biktima sa motel.

Isang nagngangalang Manny ang tumulong sa kanya para maihatid siya sa Heritage Hotel.

Habang naglilinis ang biktima sa loob ng comfort room ng kanyang kuwarto lumabas sa ari nito ang likido at dugo at nakaramdam siya ng matinding sakit.

Pagkatapos ay nagtu­ngo siya sa Camp Crame upang magreklamo ngu­nit itinuro siya sa Wo­men’s and Children’s Pro­tection Desk, ng Pasay City Police at kahapon nga ay nagtungo siya rito upang ireklamo ang kalu­pitang sinapit nito sa dating nobyo.

vuukle comment

BETTER LIVING

BOSTON ST.

BROOKSIDE HILLS

PASAY CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with