Suspect sa masaker kinasuhan na
Pormal nang sinampahan ng kaso kahapon sa piskalya ng lungsod ng Caloocan ang suspek na responsable sa pagmasaker sa kanyang kapatid at dalawang pamang kin nito.
Ang suspek na si Ramon Rodney Isaac, 25, binata, ay kinasuhan ng robbery with multiple homicide ng pamunuan ng Caloocan City Police sa tanggapan ni Caloocan City Prosecutor Manuel Caidic.
Nabatid na si Isaac ay bunsong kapatid ng biktimang si Marife Ordonio, 36; at kasamang pinatay ang kanyang dalawang anak na sina Mark Jonh, 12; Jovrie Ivan, 4-anyos.
Matatandaan, noong Lunes, dakong alas-11 ng gabi ay natagpuan ang bangkay ng mag-iina mismo sa loob ng bahay ng mga ito sa Block 11, Lot 13, Phase 2, Natividad Subdivision, Brgy. Deparo, Caloocan City.
Samantala, hindi sukat akalain ni Joseph Ordonio, padre de pamilya ng mga biktima, na magagawa ng kanyang bayaw na si Isaac na patayin at pagnakawan ang kanyang mag-iina. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending



















