^

Metro

Misis inutas ni mister

- Angie dela Cruz, -

Dahil sa paninita at pag­bu­bunganga, isang misis ang bi­naril sa leeg at na­patay ng kan­yang lasing na mister sa harap mismo ng kanilang anak, kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa sa Far Eastern University (FEU) General Hospital ang bik­timang si Maria Fe Ca­sun­cad, 44, ng #2497 Admin Site, Tala ng na­bang­git na lungsod.

Hinahanting naman ng pu­lisya ang suspek na si Arnold Casuncad, 43, na­ka­­tira sa nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyasat ng Ca­looca­n City Police, na­ga­nap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa sa nabanggit na lugar mismo sa harapan ng ka­nilang anak na si Chris­topher, 14.

Umuwing lasing ang sus­pek, dahilan upang sitahin at bungangaan ito ng biktima na ikinairita ng lalaki.

Nagkaroon ng maini­tang kom­prontasyon ang mag-asawa, hanggang sa kinuha ng suspek ang hindi pa ma­ba­tid na kalibre ng baril at pina­putukan nito sa leeg ang kanyang misis.

Sa insidenteng nasaksi­han ng kanilang anak, natulala ito at mistulang nawala sa sarili.

Ang duguang biktima ay mabilis na isinugod ng kan­yang mga kaanak sa na­bang­git na pagamutan ngunit idi­neklara itong dead-on-arrival, habang mabilis namang tu­makas ang suspect.

vuukle comment

ADMIN SITE

ARNOLD CASUNCAD

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

FAR EASTERN UNIVERSITY

GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with