^

Metro

Janitor natagpuang patay

-

Dahil sa masangsang na amoy  ay nadiskubre ang isang  47-anyos na janitor na natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang kwarto kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktimang si  Jaime Mendoza, binata, ng 909 R. Papa St., Sam­paloc, Maynila ay hinihi­nalang tatlong araw nang patay bago ito nadiskubre ng kanyang mga kamag-anak sa loob ng kanyang kwarto.

Sa report ni Det. Dennis Javier ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-7:20 ng umaga nang madiskubre ang bang­ kay ng biktima ng kan­yang mga kaanak sa pangalawang palapag ng nabatid na tirahan.

Nauna dito, nagtataka ang mga hindi nagpaki­lalang kamag-anak ng biktima dahil hindi na umano ito lumalabas ng kanyang kwarto.

Napagdesisyunan nilang puntahan ang kwarto ng biktima at nag­tataka sila dahil naka­kaamoy umano sila ng masangsang at ma­ba­hong amoy na nang­galing umano sa kwarto nito.

Hindi sila nagdala­wang isip na buksan ang kwarto ng biktima at dito nila nadiskubre na patay na ito at matigas na.

Tumanggi ang mga kaanak ng biktima na paimbestigahan ang na­turang insidente dahil tanggap nila na namatay ito sa atake sa puso. (Grace  Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

AMARGO

DENNIS JAVIER

JAIME MENDOZA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PAPA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with