^

Metro

Rambol sa frat party: 2 kritikal

-

Nasa malubhang kalagayan ang 2 lalaki makaraang mag­karoon ng rambulan sa naganap na party kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Kinilala ang mga biktima na pawang nasa kritikal na kondisyon sa Amang Rodriguez Medical Center na sina Ruel Lagaya, 24,  at Argie Donggan, 23, kapwa residente ng Sgt. de Leon st. Brgy. Santolan ng lungsod na ito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng mada­ling-araw habang nasa kainitan ng party ng fraternity na Magic 5 kung saan miyembro ang mga biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na pawang mga lasing na ang mga ito kaya nagkaroon ng kulitan sina Lagaya at Donggan na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay umuwi si Lagaya subalit ilang mi­nuto ang nakalipas ay muli itong bumalik bitbit ang isang jungle bolo at nang makita si Donggan ay pinagtataga na lang bigla.

Dahil sa pangyayari ay pinagtulungan na ng iba pang nandoon si Lagaya at pinagsasaksak, dahil sa dami ng sumu­god dito ay hindi na napansin kung sino ang sumaksak dito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para sa ikalilinaw ng kaso. (Edwin  Balasa)

vuukle comment

ARGIE DONGGAN

BALASA

DONGGAN

LAGAYA

PLACENAME

RUEL LAGAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with