^

Metro

Binatilyo ginilitan ng 3 bagets

- Edwin Balasa -
Patay ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang pagtulungan itong gilitan sa leeg ng tatlong kabataang suspect na nag-trip sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Exeliano Obligado, residente ng Blk 5 Bliss Compound Brgy. Mauway ng nasabing lungsod, habang naaresto naman ang dalawa sa tatlong kabataang suspect na sina Rodel Tulacay, 20; at Kathy Palcutan, 22, habang pinaghahanap pa ang kapatid nitong si Andrew Palcutan, 18, residente din ng nasabing lugar.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Jaime Masilang, ng Mandaluyong police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang naglalakad ang biktima at isa pang 13-anyos na lalaki sa kahabaan ng Blk 5 Bliss Compound nang masalubong nito ang tatlong suspek sa kalsada.

Nginitian umano ni Obligado ang mga suspect subalit ikinasama ito ng grupo ng huli na nauwi sa pagtatalo. Habang nasa kalagitnaan ng pagtatalo ay binunot ng suspect na si Andrew ang kanyang patalim, habang ang dalawang kasamahan ng mga ito ay hinawakan sa magkabilang braso ng biktima bago nilaslas ng una ang leeg nito dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang tatlong kabataang suspect subalit naaresto sa isinagawang follow-up operation ng Mandaluyong police ang dalawa sa mga ito na sina Tulakay at Palcutan habang pinaghahanap pa rin si Andrew na siyang may kagagawan ng krimen.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng pinag-tripan na lang ng mga salarin ang biktima. Inaalam pa kung nasa impluwensiya ang mga ito ng ipinagbabawal na gamot.

vuukle comment

ANDREW PALCUTAN

BLISS COMPOUND

BLISS COMPOUND BRGY

EXELIANO OBLIGADO

HABANG

JAIME MASILANG

KATHY PALCUTAN

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

RODEL TULACAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with