^

Metro

Sa mismong Valentine's day: Misis huli ni mister

-
Naging malungkot ang pagdiriwang ng Valentine’s day ng isang balikbayang seaman nang humantong sa paghihiwalay ang pag-uusap nilang mag-asawa matapos niyang mahuli ang kanyang misis na may kasamang ibang lalaki kahapon ng umaga sa Araw ng mga Puso sa Pasay City.

Halos madurog ang puso ni Lope Licayan, 33, ng #114 Sanchez St., Tenejeros, Malabon City nang matiyempuhan ang pinakamamahal na asawang si Mary Rose Palomar, 21, tubong-Dasmariñas, Cavite na may kaakbay na ibang lalaki habang naglalakad sa EDSA Rotonda dakong alas-9:30 ng umaga.

Hindi napigil ni Licayan ang sarili at kaagad na kinompronta ang asawa at ang lalaking kasama nito na nakilalang si Romeo Ipiz, 22, binata, ng #1764 Tramo, Pasay City, sabay pakita sa dala niyang marriage contract subalit pinunit lamang ito ng umano’y kasintahan ng babae.

Nakatawag-pansin naman sa mga nagpapatrulyang pulis ang naganap na komosyon kaya’t dinala ang tatlo sa Criminal Investigation Unit (CIU) kung saan itinanggi na ng babae na kasintahan niya si Ipiz.

Sinabi pa ni Palomar kay SPO3 Romeo Montilla na peke ang marriage contract nila ni Licayan dahil menor-de-edad pa aniya siya nang isagawa ang seremonya sa pagpu pumilit na rin ng lalaki.

Ibinulgar din ng babae na sa loob ng isang taon nilang pagsasama ay hindi naman siya nasipingan ni Licayan dahil bukod sa hindi naman niya talaga mahal ang lalaki ay tumatanggi siyang sumama sa bahay ng asawa sa Malabon.

Itinanggi naman ito ni Licayan. Ayon pa kay Licayan, ipinagpatayo pa niya ng negosyong computer shop sa Bacoor, Cavite ang asawa na sa kalaunan ay ibinenta umano ng kanyang biyenan, tinubos ang mga alahas na nakasanla at ibinigay ang lahat ng kanyang kinita sa pagtatrabaho sa barko.

Sa kabila ng matinding kasiphayuan, sinuyong muli ng lalaki ang magandang asawa at hinimok na magsama silang muli subalit tumanggi na ang babae at sa halip ay humihingi pa ito ng sustento.

Bunga ng pagtangging makipagbalkan, kaagad na binawi ni Licayan ang mamahaling cellphone na regalo niya sa asawa noong siya’y dumating sa bansa. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

LICAYAN

LOPE LICAYAN

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with