^

Metro

Sanggol itinapon sa estero

-
Kalunus-lunos ang sinapit ng sanggol na babae na hinihinalang sadyang inilaglag ng kanyang ina sa sinapupunan matapos matagpuang nakataob na lumulutang sa isang maliit na estero, kahapon ng umaga sa Pasay City. Nakakabit pa ang pusod at duguan ang sanggol na hinihinalang anim hanggang pitong buwan na sa sinapupunan ng kanyang ina nang sadyang ilaglag at itapon sa mababaw at putikang estero sa Gamban St., sa naturang lungsod. Sa ginawang pagsisiyasat ni SPO3 Alberto Cambre ng Criminal Investigation Division ng Pasay police, namataan ng barangay tanod na si Leonardo Gonzales ng Barangay 143 Zone 15 ang sanggol na nakataob pang nakalutang at inaanod ng maputik na estero dakong alas-6:30 ng umaga. May hinala naman ang pulisya na sa naturang lugar lamang naninirahan ang posibleng ina na naglaglag sa sanggol at sadyang itinapon na lamang sa putikang estero upang takasan ang ginawang krimen. Pansamantala namang inilagak ng pulisya sa Rizal Funeral Homes ang sanggol habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa nasabing krimen. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALBERTO CAMBRE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

GAMBAN ST.

KALUNUS

LEONARDO GONZALES

LORDETH BONILLA

NAKAKABIT

PANSAMANTALA

PASAY CITY

RIZAL FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with