^

Metro

Pillbox sumambulat sa mga paputok, 8 sugatan

-
Malubhang nasugatan ang walo katao na kinabibilangan ng limang magkakapatid matapos na sumambulat ang isang pillbox nang humalo ito sa bunton ng mga paputok, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ang magkakapatid na biktima na sina Elmer, 44; Jomer; Jomar; John Henry at Erlyn na pawang may mga apelyidong Estrada at mga residente ng 2040 Anakbayan St., Malate.

Kabilang din sa nasugatan sa nasabing insidente ang mga kapitbahay ng mga Estrada na sina Lalaine Dandona; Noel Ignacio at Angelito Sagkal.

Sa ulat ni PO3 Crisanto Celestial, naganap ang pagsabog dakong alas-6 ng gabi sa panulukan ng Anakbayan at San Andres St., Malate.

Hinihinala ng pulisya na isang pillbox ang inihagis sa mga bunton ng mga paputok na lumikha ng malakas na pagsambulat na ikinasugat ng mga biktima na agad namang dinala sa Ospital ng Maynila. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANAKBAYAN

ANAKBAYAN ST.

ANGELITO SAGKAL

CRISANTO CELESTIAL

DANILO GARCIA

JOHN HENRY

LALAINE DANDONA

MAYNILA

NOEL IGNACIO

SAN ANDRES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with