^

Metro

Mister kritikal sa bestfriend

-
Kritikal ngayon sa pagamutan ang isang 48-anyos na mister makaraang tarakan ito ng sunod-sunod na saksak ng patalim ng kanyang matalik na kaibigan, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) sa isang pagamutan ang biktimang si Rodrigo dela Cruz, residente ng Block 4, Sitio Cabatuan, Gen. T. de Leon, nabanggit na lungsod sanhi ng dalawang malulubhang mga tama sa dibdib at iba pang parte ng katawan nito.

Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ang suspect na si Danny Lubastan, 32, kapitbahay ng biktima.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Armando Delima, may hawak ng kaso, dakong alas-9:30 ng gabi nang mangyari ang insidente hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Nabatid na nagkasalubong umano ang biktima at ang suspect na lango sa alak at may hawak na patalim.

Dahil sa matalik na kaibigan naman umano ng biktima ang suspect ay pinangaralan ng una ang huli na umuwi na lamang sa kanilang bahay at magpahinga dahil sobrang lasing nga ito at baka madisgrasya lamang.

Hindi sukat-akalain ng biktima na masamain pala ng kanyang kaibigan ang ginawa nitong pangangaral sa huli na naging dahilan upang undayan siya nito ng sunud-sunod na saksak sa katawan.

Kasalukuyan pa ring nakapiit ang suspect at nahaharap ito sa kasong frustrated homicide sa Valenzuela Prosecutors Office habang ang biktima naman ay ginagamot pa. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARMANDO DELIMA

BIKTIMA

CRUZ

DAHIL

DANNY LUBASTAN

KAAGAD

ROSE TAMAYO-TESORO

SITIO CABATUAN

VALENZUELA CITY

VALENZUELA PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with