^

Metro

Ina pinalo ng pala at hollow blocks ng anak

-
Labindalawang pulgadang tahi ang iniregalo ng isang anak sa kanyang ina sa nalalapit na pagdiriwang ng ‘Mother’s day’ makaraang hampasin ng una ng pala at paluin pa ng hollow blocks sa ulo ang huli nang magkaroon sila ng pagtatalo, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Ang suspect na sasampahan ng kasong frustrated parricide ng pulisya ay nakilalang si Oliver Yap, 33, habang nagpapagaling naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang kanyang biktimang ina na si Remedios Yap, 70, kapwa residente ng 16 Miguelito St., Paliparan, Brgy. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Senior Inspector Jose Ogbac Jr., naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa harapan ng bahay ng mag-ina.

Nabatid na sinaway ng biktima ang suspect dahil sa paninira nito sa kanilang gate na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng pala ang suspect at inihampas sa mukha ng biktima. Hindi pa nakuntento ay kumuha pa ito ng kapirasong hollow blocks at inihampas sa ulo ng ina dahilan upang mawalan ito ng malay.

Agad namang naaresto ng rumespondeng pulisya ang suspect na ngayon ay nakapiit sa Marikina detention cell. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

BRGY

EDWIN BALASA

LABINDALAWANG

MARIKINA CITY

MIGUELITO ST.

OLIVER YAP

REMEDIOS YAP

SENIOR INSPECTOR JOSE OGBAC JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with