^

Metro

Miyembro ng Philippine Marines sugatan sa engineer

-
Malamig na rehas na bakal ang makakapiling ngayong Bagong Taon ng isang engineer makaraang barilin ng una ang kaniyang kapitbahay na isang miyembro ng Philippine Marines makaraang magtalo ang mga ito dahil lamang sa isang patay na pusa, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kasalukuyan ngayong nakakulong sa Makati City Police Station at nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspect na si Mac Allan Rosario, 30, at nakatira sa Block 192, Lot 38, Paraiso St., Brgy. Pembo, nabanggit na lungsod.

Nilalapatan naman ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Rosendo Matias, 43 at kapitbahay ng suspect na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Noel Pardinas ng Homicide Section, Criminal Investigation Section (CIS) ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:10 sa kahabaan ng C-5 Service Road, Brgy. Pembo, Makati City.

Bago ang insidente ay unang namataan ng biktima na itinapon ng mga pamangkin ng suspect ang isang patay na pusa sa nabanggit na lugar na naging dahilan upang manita ang una sa mga huli dahil magiging sanhi umano ito ng masangsang na amoy sa kapaligiran.

Nagsumbong naman ang mga bata sa kanilang tiyuhin na si Rosario kung kaya’t sinugod nito si Matias hanggang sa magtalo ang mga ito na humantong sa pamamaril ng suspect sa huli.

Mabilis namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan. Samantala, ang suspect naman ay naaresto ng rumespondeng mga pulis. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG TAON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION SECTION

HOMICIDE SECTION

LORDETH BONILLA

MAC ALLAN ROSARIO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with