^

Metro

Wala kaming armas! – ADD

-
Walang mga armas ang religious group na Ang Dating Daan nang salakayin ng mga pulis ng PNP-Region 3 ang convention center sa Apalit, Pampanga kamakailan.

Ito naman ang nabatid mula kay Atty. Batas Mauricio, legal counsel ng ADD sa pagsasabing walang katotohanan ang paratang na may nakuhang mga armas sa convention ng ADD.

Ayon kay Mauricio, dapat na ilantad ng mga pulis ang mga baril na kanilang nakumpiska. Tanging ang mga security forces ng convention ang mga may baril subalit kumpleto ang papeles at dokumento ng mga ito.

Kinuwestiyon din ni Mauricio ang kawalan ng pag-imbentaryo sa mga kagamitang kinuha ng mga pulis kung kaya’t mas malabo ang isyu na may ilegal na armas.

Bukod dito, walang karapatan ang mga nasabing pulis na salakayin ang convention dahil arrest warrant ang hawak ng mga ito at hindi search warrant.

Dahil dito hiniling ni Mauricio sa PNP na isailalim sa imbestigasyon ang mga pulis at ginawang harassment tactics sa nasabing religious group. (Doris Franche)

vuukle comment

ANG DATING DAAN

AYON

BATAS MAURICIO

BUKOD

DAHIL

DORIS FRANCHE

KINUWESTIYON

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with